-- Advertisements --
WPS

Inalmahan ng isang maritime law expert ang claim ng China na nangako umano ang Pilipinas na tanggalin ang BRP Sierra Madre mula sa Ayungin shoal at tinawag ito na taktika aniya ng China upang lituhin ang PH at pagdudahan ang posisyon nito sa naturang usapin.

Una na kasing sinabi ng Chinese Ministry of Foreign Affairs na makailang ulit na aniyang nangako ang gobyerno ng Pilipinas na aalisin ang warship mula sa Ayungin shoal na tinatawag ng Beijing na Ren’ai Jiao subalit hindi naman umano ito ginagawa.

Saad pa ni University of the Philippines Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Director Jay Batongbacal na pawang kasinungalingan ang claim ng Beijing at ito aniya ang tinatawag na gaslighting.

Ayon sa maritime expert na hindi aniya alam kung totoo o hindi na nangako ang gobyerno ng Pilipinas na tatanggalin ang BRP Sierra Madre kaya pagdududahan nito ang sariling posisyon ng bansa.

Subalit una ng iginiit ni PBBM mismo na walang ganitong pangako ang gobyerno ng Pilipinas sa China at hindi kailanman aabandonahin ang BRP Sierra Madre kasunod ng muling pagdedemand ng China na tanggalin ang warship ng bansa sa Ayungin shoal.