-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – May mga naganap na pagguho ng lupa sa tabi ng daan papasok sa forest region ng Benito Soliven, Isabela dahil sa mga pag-ulan dulot ng bagyong Ramon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Mfgayor Robert Lungan ng Benito Soliven, Isabela na naitala ang pagguho ng lupa sa barangay Danipa na daan papasok sa forest region gayundin sa barangay Nacalma.

Bukod dito ay tumaas din ang water level sa mga ilog kaya binabantayan nila ang mga barangay ng Yeban Sur at Malunu Norte na nababaha kapag malakas ang ulan.

Dahil dito ay sinuspendi ni Mayor Lungan ang klase sa lahat ng level sa kanilang bayan

Maging ang kalapit na bayan ng San Mariano, Isabela ay sinuspindi rin ang klase ng mga mag-aaral dahil sa pagtaas ng water level sa mga ilog.

Sinabi ni Municipal Administrator Monico Aggabao na tumaas na ang antas ng tubig sa ilog kaya mapanganib sa mga mag-aaral ang tumawid sa mga tulay.

Pinag-iingat niya ang mga mamamayan sa San mariano sa epekto ng bagyong Ramon

Unang sinuspindi ng DepEd isabela ang klase hanggang senior high school sa public at private sa mga bayan na nasa ilalim ng signal #2.

Sinabi naman ni Gov. Rodito Albano na ipinauubayan niya sa Department of Education (DepEd) at mga local chief executives ang pagsuspindi ng klase sa kanilang mga lugar kung malakas ang ulan.

Pinag-iingat niya ang mga Isabelenio at umaasa na walang malaking epekto ang bagyo sa Isabela.

Samantala, nararanasan ang pabugsu-bugsong hangin at ulan lalo na sa northern part ng Isabela kaya tumaas ang water level sa mga ilog.

Handang-handa naman ang PDRRMO at MDRRMO sa mga bayan at lunsod sa Isabela.

Noon pang nakalipas na linggo pinaghandaan ang pagdaan ng bagyong Ramon.

Sa katunayan ay sinuspindi ang klase sa Isabela noong nakaraang Biyernes.

Nakaantabay ang mga rescue teams ng PDRRMO katuwang ang militar, pulisya at mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Nakaantabay din ang mga relief goods mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).