LAOAG CITY – Inihayag ni PMaj. Eduardo Santos, hepe ng PNP-Pagudpud na hanggang ngayon ay hindi pa passable o hindi pa maaring daanan ng mga motorista ang national highway na sakop ng Sitio Bangquero sa Brgy. Pancian, Pagudpud, Ilocos Norte
Ito ay dahil sa nangyaring landslide o pagbagsak ng lupa mula sa kabundukan sa nasabing lugar.
Ayon kay Santos, tuloy-tuloy ang clearing operations sa nasabing lugar at may mga motoristang nastranded.
Samantala, giit ng hepe na walang naitalang nasaktan sa nasabing landslide.
Dagdag nito na ang mga stranded ay nanatili sa border control at nabigbigyan ang mga ito ng mga pangangailangan habang isisagawa ang clearing operations.
Una rito, ipinaalam ni Santos na hindi pa masigurado kung patuloy ang landslide dahil sa sama ng panahon at tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan.
Dagdag ng hepe na mahigpit ang pagbabantay ng otoridad sa nasabing lugar upang maiwasakan ang sakuna.