“Generally peaceful and orderly” ang paggunita ng All Saints’ Day sa buong bansa ngayong Biyernes, Nobyembre 1.
Ito ay batay sa inilabas na security assessment ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, mananatili pa rin ang PNP sa pagiging alerto at mapagmatyag sa kapaligiran.
Nakahanda rin ang mga pulis na rumesponde sa anumang eventualities na posibleng mangyari.
Sinabi ni Banac, malaki ang naging kontribusyon ng publiko para mapanatili ang peace and order.
Katuwang ng PNP ang militar sa pagpapanatili ng peace and order.
Habang sa Metro Manila, sinabi ni NCRPO chief BGen. Debold Sinas na “in place” ang kanilang security measures at personal na nag-ikot ang mga district directors sa mga sementeryo sa loob ng kanilang areas of responsibility.
Sa report ng NCRPO aabot sa 960, 095 ang crowd estimate sa mga nagpunta sa mga sementeryo sa Metro Manila.
Sinabi ni Sinas “so far so good” ang naging sitwasyon sa mga libingan.