-- Advertisements --

Marcos2

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang paggunita sa Araw ng Kagitingan ay nagpapakita “indomitable spirit” ng mga Pilipino sa harap ng mga hamon at kahirapan.

Sa kanyang mensahe, ipinunto ni Pangulong Marcos na ang bansa ay nahaharap sa maraming hamon na “nagsubok sa ating pananampalataya ngunit ipinakita natin sa mundo ang hindi natitinag na espiritu ng bawat Pilipino.”

“Defined by our feats rather than our trials, we have emerged as a nation that stands tall and proud, guided by the principles of justice, truth and democracy. We have staunchly proven time and again that we are never the same after each adversity for we always rise to meet every challenge head-on with grit, grace and determination,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon pa sa punong ehekutibo, upang parangalan ang mga nagsakripisyo at nagbuwis ng kanilang buhay para sa demokrasya at kalayaan.

Maaari rin suriin muli ang mga pinahahalagahan at parangalan ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagsasalita laban sa diskriminasyon, pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan, at nagtatrabaho tungo sa mas magandang kinabukasan.

“May we also learn to make wise and sound decisions so that we may address our country’s pressing problems with compassion and concern for others,” dagdag pa ng Pangulong Marcos.

Sinabi ng Pangulo habang ginugunita ng bansa ang mga sakripisyo ng mga ninuno ng bansa na matagal na nakipaglaban para sa kalayaan dapat tandaan natin ang mga aksyon ngayon ay tumutukoy sa kinabukasan ng ating bansa, kabilang sa mga susunod na henerasyon.

“Together, let us strive towards developing a more humane, fair, and progressive society that allows our citizenry to relish their liberty and achieve their individual and collective aspirations,” punto ng Pangulong Marcos Jr.