Kinumpirma ni Lanao del Sur 1st District Assemblyman Zia Alonto Adiong na ang pagdiriwang nila ng Eidl Fitr ngayong taon ang siyang pinaka malungkot para sa mga Maranaw.
Ito’y kasunod sa ginawang pananakop ng Maute terror group sa siyudad ng Marawi.
Sinabi ni Adiong na sila ay pinagkaitan ng mga local na terorista para maipagdiwang ng mapayapa ang Ramadhan.
Aniya, ang paggunita ng Ramadhan ay umabot na ng centuries na taon at kailan man hindi ito na interrupt.
Giit ng opisyal na nakakalungkot na makita na ang mga pamilya ay hindi mo makikita na makapag share ng kanilang mga inihandang pagkain
Ang paggunita ng Eid’l Fitr ay hudyat ng pagtatapos ng isang buwan na Ramadan.
Kinokondena ng mga Maranaw ang ginawang pananalakay ng mga local na terorista.
Sa kabilang dako, alas-6:30 kaninang umaga ng mag-umpisa ang dasal kung saan sa kapitolyo nagtipon tipon ang mga Maranaw para gunitain ang Eidl Fitr.
Pagkatapos ng dasal nagsalo salo din ang mga ito sa mga inihandang pagkain ng Lanao del Sur provincial government.