-- Advertisements --
Hindi na matutuloy ngayong taon ang paggunita ng 1989 Tiananment Square massacre sa Hong Kong sa darating na Hulyo 4.
Ito ay matapos na hindi payagan ng mga kapulisan ang pagsasagawa ng mga pagtitipon dahil sa coronavirus pandemic.
Naging malaking usapin kasi sa buong mundo ang massacre na nangyari noong Hunyo 4, 1989 ng binuwag ng Chinese troops ang mga pro-democracy protesters sa Tiananmen Square sa Beijing.
Bagamat hindi inilabas ang nasabing bilang ng mga nasawi ay naniniwala ang marami na ilang daang tao ang nasawi sa insidente.