-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Ang paggunita ng Undas sa Canada ay simbolo ng pag-asa at pasasalamat.

Ayon kay Ruth Marie Torio Magalong, Bombo International News Correspondent sa Canada, tinatawag nilang Remembrance Day ang ipinagdiriwang sa Pilipinas na All Saint’s Day.

Isiniselebra ang kanilang Remembrance Day tuwing Nobyembre 1, na katumbas dito sa bansa na All Saint’s Day.

Aniya, isa sa mga ginagawang nakagawian na sa naturang bansa ay ang ginagawa rin sa Pilipinas na Trick or Treat kung saan ay naglilibot ang mga ito sa mga bahay-bahay at doon humihingi ng mga candies o anumang mga matatamis na ibibigay sa mga ito.

Ang mga nakikilahok sa Trick or treat ay kinakailangang nakacostume na may kaugnayan sa undas mapabata man o matanda ay pwede sa kanila.

Dagdag pa nito, ginagawa rin ng mga Pilipinong naninirahan sa naturang bansa ang pagluluto ng mga kakanin, at pagpapadasal.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Magalong na namimiss niya ang nakagwian sa bansa na sama-sama ang mga magkamag-anak na pumupunta sa sementeryo, mga kaibigan, mainit na pagtanggap ng mga Pilipino, gano’n na rin ang mabuting pakikitungo na nakagawian na sa bansa.