CAGAYAN DE ORO CITY – Asahang simple lang ang magiging paggunita sa ikalawang taong anibersaryo sa Marawi siege sa darating na Mayo 23, Huwebes.
Mangunguna ang mga sundalo ng Western Mindanao Command (WestMinCom) sa ilang inihandang programa.
Sinabi ni WestMinCom spokesperson Lt. Col. Gerry Besana, bilang pagbigay respeto sa mga kapatid na Muslim, gagawin nilang simple ngunit makabuluhan ang pag-alala sa naturang araw lalo na’t ito ang naging simula ng pagkasira sa Marawi City at ikinamatay ng maraming sundalo.
Ayon kay Besana, isasagawa ang paggunita sa mismong araw kung kailan na-liberate ang Marawi sa mga kamay ng Maute-ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) inspired group sa Oktubre ngayong taon.
Una nito, umabot sa 1,158 ang napatay sa Marawi siege na kinabibilangan ng 168 na sundalo at pulis.