Mapayapa sa pangkalahatan ang paggunita sa Semana Santa o Holy Week sa buong bansa. Ito ay kahit may mga insidente ng vehicular accidents na naitala.
Kaya paalala ng Philippine National Police (PNP)sa mga motorista at mga biyahero na maging maingat sa pagbiyahe lalo na ang mga pabalik ng Metro Manila.
Ayon kay PNP Spokesperson Bernard Banac, sa kanilang initial assessment, mapayapa ang paggunita sa Holy Week.
Sinabi ni Banac nananatili pa rin sa full alert status ang buong Metro Manila maging ang ilang malalaking siyudad sa bansa partikular ang mga tourists destinations.
Ngayong araw, Easter Sunday inaasahan na rin ng PNP ang buhos ng mga pasahero pabalik ng Metro Manila.
Kaya muling pinaalalahan ng PNP ang publiko na maging maingat sa pagbiyahe tiyakin na nasa kondisyon ang makina ng mga sasakyan, siguraduhin na ang gulong ng sasakyan ay maayos.
Ang mga bibiyahe naman gamit ang mga pier, paliparan at terminals na bantayan ng maige ang mga bagahe, tiyaking hawak na ang mga tickets, passports at maging alerto sa mga snatchers.
Ang paalala ng PNP ay bahagi ng kanilang anti-criminality campaign and nationwide security plan na tinawag na “Ligtas SUMVAC 2019” kasama na ang paggunita sa Holy Week.
Hinimok naman ng PNP ang publiko na magbigay ng kaukulang impormasyon sa PNP kung may napapansing kakaiba o kahina-hinala sa kanilang mga lugar.
Home Top Stories
Paggunita sa Holy Week mapayapa – PNP
-- Advertisements --