LAOAG CITY – Pinalawig ng Commission on Elections (Comelec) hanggang sa Setyembre 3 ang paghahain ng certificates of candidacy (COCs) para sa October 30, 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ito ay matapos masuspinde ng isang araw ang paghahain ng kandidatura dahil sa pagtama ng nagdaang Bagyong Goring sa lalawigan.
Ayon kay Atty. Julius Balbas, ang Election Officer dito sa lungsod ng Laoag na may memorandum mula sa Regional Director hinggil dito.
Sinabi nito na tatanggap pa rin sila ng certificates of candidacy sa nasabing araw ng hanggang alas-singko ng hapon.
Samantala, inihayag ni Balbas na dahil sa isang araw na pagsususpinde ng paghahaing ng certificates of candidacy noong Agosto 30 ay bumuhos ang mga pumuta sa kanilang opisina kahapon at ngayong araw.
Nabatid na maliban sa Ilocos Norte ay sa Setyembre 3 rin magtatapos ang paghahain ng certificates of candidacy sa Cordillera Region.