-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Wala pang naitatala ang PNP sa ikalawang rehiyon na hindi kanais-nais na pangyayari mula nang magsimula ang ang paghahain ng certificate of candidacy ng mga kandidato.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Lt Col. Andree Abella, Informaton Officer ng PRO-2 na sa ipinatutupad na gun ban mula September 30, 2021 hanggang October 9, 2021 ay may isang lalaki ang nasamsaman ng baril sa Santiago City ngunit maliban dito ay wala nang naitalang hindi kanais-nais na pangyayari mula ang magsimula ang paghahain ng COC.

Tinukoy ni Abella na tatlong lugar sa Region 2 ang binabantayan ng PNP dahil sa mga naitalang karahasan may kaugnayan sa mga nakaraang halalan.

Kabilang dito ang Tuguegarao City at Enrile sa Cagayan at bayan ng Jones sa Isabela.

Sa command conference aniya ng PRO-2 ngayong raw ay kabilang sa mga pinag-usapan ang pagmo-monitor at paghahanda sa halalan na nagsimula sa paghahain ng COC ng mga kandidato.

May mga nakahanda na aniyang security plan ang PNP at pinag-aralan nila ang mga kaganapan sa mga nakaraang halalan para mas maayos ang serbisyo sa susunod na halalan.

Hiniling niya ang patuloy na pakikipagtulungan ng mga mamamayan para maging maayos, mapayapa at credible ang halalan sa mayo 2022.