-- Advertisements --

Iginiit ni retired Supreme Court Justice Francis Jardeleza na napapanahon na para sa gobyerno ng Pilipinas na maghain ng panibagong arbitration case laban sa China.

Paliwanag ng dating mahistrado na layunin ng paghahain ng follow up arbitration case ay para mapanagot ang China sa lahat ng pinsalang idinulot nito sa West Philippine Sea kabilang ang ibang lugar na nasa hurisdiksiyon ng Pilipinas.

Nang matanong naman si Jardeleza kung ang pakay ng follow-up case ay hilingin ang tulong ng arbitration panel para pagbayarin ang China, sumang-ayon ito dahil may hurisdiksiyon ang tribunal at naging malaki ang panalo ng ating bansa sa unang arbitration case laban sa China kung saan base sa ruling ng tribunal, sinabi nitong ilegal ang 9-dash line ng China.

Gayundin, sinabi aniya ng tribunal na ang lahat ng reclamation projects ng China ay iligal at partikular na tinukoy na ang China ang nagsasagawa ng illegal reclamation.

Samantala sinabi din ni Jardeleza na ang tinatayang halaga ng pinsala na idinulot ng China ay umaabot sa P216 billion kada taon.

Sakali man aniya na manalo ang PH sa ikalawang arbitration case, inirekomenda ng dating mahistrado na maaaring ipataw ito ng gobyerno laban sa mga asset ng gobyerno ng China sa labas ng PH tulad sa New York kung saan maraming assets ang Tsina.

Matatandaan na noong 2016, pinaburan ng arbitral tribunal ang PH at pinawalang bisa ang malawakang claims ng China sa WPS.

Kung saan nagsilbi si dating SC Justice Jardeleza bilang Solicitor General sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III at naging kinatawan ng PH sa WPS arbitration case laban sa China