-- Advertisements --

Pinag-aaralan pa sa ngayon ng philippine national police criminal investigation and detection group ang pag aapela sa ibinasurang kaso ng department of justice laban kay negros oriental 3rd district representative arnolfo teves jr.

Ito nga ay matapos na I-anunsyo ni doj usec. Mico clavano na idismiss na ng kagawaran ang isa sa mga complaint na isinampa ng pnp-cidg laban cong. Teves dahil sa kakulangan nito ng probable cause matapos mapag-alaman na ang mga armas na nasamsam ng mga otoridad mula sa isa sa kaniyang mga bahay ay hindi nakapangalan sa kaniya.

Ayon kay pnp spokesperson pcol jean fajardo, sa ngayon ay hinihintay pa ng nasabing hanay ng kapulisan ang kopya ng resolusyong inilabas ng doj ukol dito upang mapag-aralan nito kung kinakailangan pa ba ang paghahain ng motion for reconsideration para dito.

Av.. Pnp spox pcol jean fajardo..

Kaugnay nito ay tiniyak naman ni col fajardo na ang minor setback na ito na itinuturing ng pulisya ay hindi makakaapekto sa iba pang kasong isinampa laban kay teves.

Muli niyang binigyang-diin na pahinggil dito ay mayroon pa ring matibay na mga ebidensyang hawak ang pnp para sa mga kasong isinampa laban sa kaniya na nakatakda namang sumailalim sa preliminary investigation.

Samantala, bukod dito ay inihayag naman ng cidg na mayroon na itong limang kaso ang naisampa sa korte habang may nauna na ring 3 counts of murder ang isinampa laban kay cong teves at iba pa na may kaugnayan naman sa pagpatay kay board member miguel dungog, lester bato, at pacito libron.

Kung maaalala, una na ring sinabi ni dilg sec benjamin abalos jr na hindi titigil ang pamahalaan sa pagtugis sa mga kriminal at iba pang patuloy na lumalabag sa batas at siguraduhin na sila ay mapapanagot at mabibigyan ng hustisya ang lahat ng mga naging biktima sa mga krimeng nauugnay dito.