-- Advertisements --

Inanunsyo ng Civil Service Commission (CSC) na palalawigin pa nito ang deadline para sa paghahain ng 2020 Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) hanggang sa huling araw ng Mayo.

Lahat ng mga government officials at mga empleyado ay inaasahang maghahain at magsa-submit ng kanilang SALNs hanggang kahapon, Abril 30. Subalit pinalawig pa ng ahensya ang deadline nito matapos ilabas ang Resolution No. 2100339 na may petsang Abril 12 kaugnay ng paghahain at pagsa-submit ng SALN dahil sa exceptional circumstances.

“The Commission has ruled that all public officials and employees are given an additional period of 30 days from the original deadline of April 30, 2021, or until May 30, 2021, to submit their 2020 SALN with their respective departments, agencies, or offices,” saad ng ahensya.

Batay din sa nasabing resolusyon, ang mga ahensya o opisina ng gobyerno, sa pamamagitan ng kanilang Personnel/Administrative Division o Human Resource Management Office ay pinapayagang ipadala ang orihinal na kopya ng kanilang SALN hanggang Hulyo 30, 2021.

Makakapamili naman ang government officials at employees na ipadala physically o digitally ang kanilang mga SALN sa nararapat na repository agency.