Pinag-aaralan ng US -based biopharmaceutical company na Moderna ang pag-develop ng isang single dose booster shot sa pamamagitan ng paghahalo ng COVID-19 vaccine nito at experimental flu shot.
Sa naturang pag-aaral, layon nito na magkaroon ng karagdagang bakuna na epektibo laban sa respiratory syncytial virus (RSV) at iba pang respiratory diseases.
Malaking oportunidad aniya ang bagong development na ito para kay Moderna Chief Executive Officer Stéphane Bancel kung makakapag-ambag sa merkado ng itinuturing na high efficacy pan-respiratory annual booster.
Kasalukuyang nagsasagawa ng pag-aaral ang vaccine manufacturer ng clinical trials para sa RSV vaccine para sa nakakatandang paopulasyon.
Inaasahang sisimulan ang clinical testing ng paghahalo ng bakuna ng Moderna sa susunod na anim hanggang 12 buwan.