-- Advertisements --
Naglunsad na ng imbestigasyon ang Taiwan transport ministry sa pagguho ng tulay sa Nanfangao na ikinasawi ng 12 katao at pagkawala ng anim na iba.
Kabilang sa nawala ang tatlong Pinoy at tatlong iba pa na pinaniniwalaang naipit mula sa pagguho ng 140-meter na haba ng single-arch bridge.
Aminado ang mga otoridad na hirap sila sa rescue efforts dahil sa low visibility sa ilalim ng tubig.
Nakipag-ugnayan na rin sila sa mga structural at building experts ganoon din sa ship-building experts para mapabilis ang rescue.