Target simulan ng Pilipinas at Denmark ang paghahanap ng bagong fishing ground para sa mga Pilipino sa Benham Rise at sa Palawan sa West Philippine Sea.
Ayon kay Department of Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. tuturuan din ng Danish experts ang mga Pilipino kung paano manghuli ng isda sa 300 hanggang 400 feet below sea level kung saan may maraming isda na maaaring mahuli.
Aniya, parte ng P200 million na proyekto ay popondohan sa pamamagitan ng isang grant mula sa Denmark subalit kailangan ng Pilipinas na i-shoulder ang refitting ng isa sa vessels nito.
Sa katunayan mayroon na aniyang basic agreement subalit kailangan itong i-renew dahil matagal na ang naturang kasunduan at kailangang i-update.
Ayon kay Danish Ambassador to the Philippines Franz-Michael Mellbin, ang naturang research project ay isa sa paraan ng Denmark para kilalanin ang mga karapatan ng mga Pilipinong mangisda sa katubigan ng ating bansa.