-- Advertisements --
Daan-daang katao pa rin ang nawawala matapos ang naranasang matinding pag-ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha sa Germany at Belgium.
Hamon para sa mga rescue crew ang paghahanap sa mga survivor kung saan nasa mahigit 120 katao na ang naiulat na namatay.
Sa Germany, pumalo na sa mahigit 100 ang death toll.
Nagpahayag naman ng pagkagimbal si President Frank- Walter Steinmeier na nakatakdang bumisita ngayong araw sa isa sa rehiyon na malubhang sinalanta ng baha dahil sasa lawak ng sirang idinulot ng naturang sakuna.
Sa Belgium naman, nagpadala na ng mga sundalo sa apat sa probinsya ng bansa para tumulong sa rescue at evacuations ng mga residente.