-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nahihirapan pa rin ang mga otoridad at boluntaryo sa paghahanap sa dalawang kabataan na nawala sa kasagsagan ng habagat sa Wangal, La Trinidad, Benguet.

Una nang nakilala ang mga nawawala na si na Harley Diplat Rufino, 16, at Rommel Alsem Tadena, 17, kapwa residente ng Wangal, La Trinidad, Benguet.

Ayon sa La Trinidad Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, sa ngayon ay search and retrieval operation na ang kanilang isinasagawa matapos mabigo ang isinagawa nilang search and rescue operations.

Ayon sa mga otoridad at mga volunteers, nagiging hamon sa operasyon ang laging pag-ulan sa lokalidad.

Bago ito nagsagawa ng mga ritwal ang mga pamilya ng mga nawawala dahil sa paniniwalang mas mabilis na matatagpuan ang mga ito.

Pinaniniwalaang tinangay ng malakas na agos-tubig ang dalawang nakasakay ng motorsiklo nang tinangka nilang dumaan sa mismong ilog sa kasagsagan ng malakas na ulan dulot ng habagat noong August 13.