-- Advertisements --
Patuloy pa rin ang ginagawang rescue operations ng mga otoridad sa Bahamas sa 2,500 katao na nawawala matapos ang pananalasa ng hurricane Dorian.
Bagamat kanilang nagsasagawa ng double checking sa mga nasa shelters at evacuation centers ay hindi pa rin sila tumitigil sa paghahanap sa mga bahay na nasalanta sa isla.
Ilang libong residente pa rin ang humihingi ng tulong matapos na sila ay salantahin ng Hurricane Dorian.
Magugunitang mahigit 50 na ang natitalang patay na karamihan ay naninirahan sa Abaco Island.