-- Advertisements --
iceland climbers himalayas1 1

Tila nawawalan na ng pag-asa ang mga Indian rescuers na magiging matagumpay ang kanilang paghahanap sa mga nawawalang mountaineers sa Himalayas Mountain.

Nagpadala na rin ng dalawang Indian airforce helicopters upang tumulong sa paghahanap ngunit ayon sa mga opisyal ay kinakailangan nilang pansamantalang itigil ang kanilang paghahanap.

Labis naman na ikinalungkot ng pamilya ng mga biktima ang desisyong ito ng mga otoridad.

Una rito, kinumpirma naman ng mga lokal na otoridad na nailigtas nila ang apat pa sa mga British climbers. Natagpuan nila ang mga ito sa base camp malapit sa Nanda Devi.

Kwento ng mga na-rescue, sinimulan nila ang pag-akyat sa ikalawa sa pinakamataas na bundok sa India kasama ang walo pa nilang kasamahan noong May 13 ngunit bumalik agad ang mga ito sa Munsiyari base camp dahil sa matinding lagay ng panahon.

Samantala ang walo pa nilang kasamahan ay napagdesisyunan na na akyatin ang isang hindi pinangalanang summit peak.

May koneksyon pa umano sila sa mga biktima hanggang May 26, isang araw bago mangyari ang avalanche sa bundok na may taas na 7,816 meter.