-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Kahit pahirapan dahil sa pagsabay ng tropical depression Grace, nagpapatuloy ang pagsasagawa ng search and rescue operations upang mahanap ang iba pang mga biktima ng 7.2 magnitude na lindol sa Haiti.

Sa report ni Bombo international vorrespondent Nee Fatima Sylvain ng Haiti at tubong Libacao, Aklan, pumalo na sa mahigit sa 1,900 ang mga nasawi habang nasa 9,900 na iba pa ang sugatan halos anim na araw na ang lumipas.

Dagdag pa nito na nasa 13,000 na mga paaralan at iba pang gusali ang nasira kaya’t pinangangambahang maapektuhan nito ang pagbubukas ng klase sa Setyembre 3, 2021.

Hirap na rin aniya ang mga mamamayan sa kawalan ng supply ng kuryente, pagkain at maiinom na tubig.

Sinabi pa ni Sylvain na nagpadala na ang United States, Cuba, Chile, Argentina, Peru, Venezuela at iba pang bansa ng tulong sa Haiti na kinabibilangan ng food rations, potable water at mga medical equipments.

Samantala, sinimulan na ng Filipino community sa Haiti ang donation drive upang makatulong sa mga apektadong pamilya.