-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Patuloy ang ginagawang search and rescue operations sa mahigit 10 indibidwal kasama na ang ilang mga mangingisda sa Eastern Visayas na hanggang sa ngayon ay nawawala dahil sa pananalasa ng bagyong Jolina.
Ayon kay Lord Byron Torrecarion, regional director ng Office of Civil Defense Regional Office 8, pumalaot ang mga mangingisda at naabutan ng bagyo habang nasa dagat.
Ang mga mangingisdang ito ay mula sa Tolosa, Leyte, dalawa mula sa Caibiran, Biliran at Culaba, Biliran.
Bukod sa mga mangingisdang ito, 10 pang residente ng Brgy. Monbon, Daram Samar ang patuloy ding pinaghahanap dahil naman sa mga pagbaha.