-- Advertisements --
colombia plane crash 1 6407748 1684628764410

Nagpapatuloy ang isinasagawang paghahanap ng mga Colombian authorities sa apat na batang nawawala matapos bumagsak ang kanilang sinasakyang Cessna 206 HK-2803 sa kagubatan ng Amazon.

Ang naturang sasakyang panghimpapawid ay may sakay na anim na pasahero at isang Piloto.

Apat sa mga naging pasahero nito ay pawang mga bata na nag edad 11 months hanggang 13 taong gulang.

Batay sa imbestigasyon, nagkaroon ng problema sa makina ang Cessna single-engine propeller plane at ilang oras matapos magdeklara ang pilito ng emergency ay nawala na ito sa radar.

Sa paghahanap ng mga Colombian Military ay nagtagpuan nito ang wreckage ng nasabing eroplano.

Naroroon din sa nawasak na sasakyang pamhimpapawid ang bangkay ng Piloto, guide at ang ina ng mga bata ngunit hindi umano nakakita ang mga awtoridad ng senyales sa presensya ng mga bata sa lugar.

Siniguro naman ni Colombian President Gustavo Petro na hindi sila susuko sa paghahanap hanggat hindi nila nakikita ang mga bata.