DAGUPAN CITY – Pahirapan ngayon ang ginagawang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard (PCG) kasunod ng ulat na pagtaob ng bangka ng 14 na mangingisda sa karagatang sakop ng lalawigan ng Pangasinan.
Simula pa kasi nitong Sabado ng gabi ay nakararanas na ng pag-ulan dito sa probinsya.
Sa abiso ng Provincial Disater Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Pangasinan, na patuloy pa ring mararanasan ang paminsan-minsang pagbugso ng ulan sa mga susunod na mga araw.
Maaring mahina lamang subalit minsan may kalakasan dulot ng Habagat.
Sa inisyal na impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Dagupan, hatinggabi ng Miyerkules, October 7, nang tumaob ang Aqua Princess sakay ang 16 na crew kabilang ang kapitan ng bangka na si Eddie AriƱo.
Subalit, nitong Linggo ng umaga lamang naiparating sa mga otoridad ang insidente matapos na makarating sa bayan ng Infanta ang dalawang sakay nito na naatasang humingi ng tulong.