-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad sa Nepal matapos ang pagkawala ng pampasaherong eroplano.
May lulan na 22 katao ang Tara Air na mula sa Pokhara City ay patungo ito sa Jomson ang kilalang tourist spot sa central Nepal.
Ayon sa Civil Aviation Authority ng Nepal, bigla na lamang nawalan sila ng contact sa eroplano 12 minuto matapos na ito ay lumipad.
Mayroong 19 pasahero at tatlong crew members ang eroplano na binubuo ng dalawang German nationals, apat na Indians at 13 Nepal citizens ang nawawala habang hindi pa matiyak ang nationality ng dalawang pasahero.
Naniniwala ang mga otoridad na dahil sa sama ng panahon kaya nawalan silang contact sa nasabing eroplano.