Iminungkahi ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang paghahanda ng buffer stock ng milled rice o bigas bago ang inaasahang pagtama ng El Nino sa bansa sa susunod na buwan.
Umapela din ang ahensiya para sa prepositioning ng mga suplay ng staple grain para matiyak ang availability ng suplay sa mga probinsiya at matugunan ang mataas na food inflation sa bansa.
Ito ay kasabay ng babala ng ahensiya sa banta ng El Nino sa food production lalo na sa bigas.
Kabilang ang nasabing mga hakbang sa iprinisenta sa kauna-unahang pagpupulong ng mga kalihim sa halip na assigned delegates ng Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO) na ipinag-utos ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nabuo noong Marso 7 bbilang proactive measure sa pglaban sa nagppatuloy na inflation.
Samantala, nireactivate na ng Department of Agriculture ang El Nino Task Forces nito sa unang bahagi ngayong Abril para maibsan ang epekto ng inaasahang dry season kung saan ayon kay Agriculture Deputy spokesperson Rex Estoperez na tuwing mayroong kalamidad mapabagyo man o El nino , pinakamatinding tinatamaan ang agrikultura.
Ang naturang task force ay pinangungunhan ng komite ng undersecretaries at assistant secretaries katuwang ang techinical working group ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya sa ilalim ng DA.
Nakatuon ayon sa DA ang mitigation at adaptation plan para ngayong taon sa pagtatayo ng water-related infrastructure gaya ng development o irrigation projects bago ang simula ng El Nino.