-- Advertisements --
Binigyang-priyoridad umano ng pamunuan ng DEPED ang pagpapataas ng kalidad ng edukasyon, kabilang ang pagsali ng bansa sa Program for International Student Assessment (PISA).
Nagsagawa ang ahensya ng mga paghahanda tulad ng internal audit upang tiyakin ang kalidad ng mga paaralan, guro, mag-aaral, at komunidad.
Sa tulong ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD), napili ang 208 paaralan at mga 15-anyos na mag-aaral para maging bahagi ng test.
Binigyan sila ng mga pagsasanay sa computer literacy at critical thinking bago ang pagsusulit.
Sa pagtatapos ng PISA ngayong Abril 2025, ang resulta ay magsisilbing gabay para sa mga susunod pang hakbangin tungo sa mas mataas na antas ng edukasyon.