BAGUIO CITY – Pinayuhan ng Office of Civil Defense-Cordillera ang mga residente ng rehiyon Cordillera na suriin nila ang lokasyon ng kanilang bahay para makita kung ito ba ay ligtas sa darating na tag-ulan.
Pangunahing pinayuhan ng ahensiya ang mga residente naapektuhan ng mga bagyo noong nakaraang taon.
Ayon kay OCD-Cordillera Public Information Office Cyr Bagayao, kailangang lahat ng bayan sa lunsod ay mayroong Disaster Risk Reduction Management Plan para malaman ang mga potential risk at hazardous areas sa kanilang nasasakupan.
Kaugnay nito ay sinabi niya na magsasagawa ang OCD-Cordillera ng tinatawag na “Oplan Listo†para mapaalalahanan ang mga residente na mag-ingat at maging mapanuri sa panahon ng tag-ulan.
Aminado si Bayagao na mayroon pa ring mga residente ang hindi sumusunod sa payo at apela ng ahensiya ngunit sinabi niya na gagawin nila ang kanilang buong makakaya para maging ligtas ang lahat sa panahon ng ulan at kalamidad.