-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Kasado na ang mga preventive measures ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa nalalapit na eleksyon maging sa paggunita ng Semana Santa.

Ayon kay Avenix Arenas, tagapagsalita ng PDRRMC Pangasinan, mayrooon na silang mga itinalagang medical station.

Ang mini hospital na ito ay handang umagapay at magbigay ng serbisyo sa mga nangangailangan ng medical assistance tulad na lamang ng mga masusugatan o di kaya’y maatake ng heat stroke sa daan.

Bukod pa rito, nailunsad na rin umano nila ang Pangasinan Safety and Emergency Response Command Control Communication Center PSERCCC, na siyang titiyak sa seguridad ng mga turista.

Katuwang daw nito ang Bureau of Fire Protection, Philippine National Police pati na ang Philippine Coast Guard.

Giit ni Arenas na sa pamamagitan nito mas mapapadali ang pag tawag ng ating mga kababayan dito sa buong probinsya ng Pangasinan kung sakali mang sila’y nakararanas ng alanganing sitwasyon.