BUTUAN CITY – Mixed emotions ang mga opisyal ng Agusan del Sur provincial government matapos mapili ng Palaro National Board na sila ang magho-host para sa Palarong Pambansa 2026.
Ayon kay Governor Santiago ‘Santi’ Cane Jr., walang kalalagyan sa kanilang tuwa matapos inanunsyo ng board sa closing ceremony ng Palarong Pambansa 2024 na natalo nila sa bidding ang Misami Occidental at Zamboanga City.
Ito umano ang magpapatunay na malaki ang tiwala ng Palaro National Board na makakaya nila ang hosting sa taunang palaro ng Department of Education gamit ang kanilang state-of-the-art na Datu Lipus Makapandong Cultural Center.
Dagdag pa ng gobernador, mayroon na silang nakahanay na mga plano para sa hindi pangkaraniwang hosting ng palaro na sisimulan na nilang ipapatupad partikular na sa preparasyon ng mga playing venues, mga billeting quarters at iba pa lalo na’t may dalawang taon pa silang gagawin ito.