Nakatakdang magtungo sa Lanao del Norte si PNP chief Oscar Albayalde para pangunahan ang paghahanda sa nalalapit na Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite na nakatakda sa Pebrero 6.
Layon ni Albayalde na personal na tingnan at pangasiwaan ang latag ng seguridad sa nasabing lugar.
Sinabi ni Albayalde na dadagdagan nito ang puwersa ng mga pulis sa lugar para masigurado na magiging maayos at mapayapa ang nalalapit na ikalawang bahagi ng plebisito.
Ayon naman kay PNP spokesperson, S/Supt. Bernard Banac, nasa kabuuang 3,209 police officers ang ide-deploy sa anim na munisipalidad sa Lanao del Norte at 39 barangay sa North Cotabato.
Ang ikalawang BOL plebiscite ay gagawin sa mga probinsiya ng Lanao del Norte, except Iligan City, municipalities ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit, at Pigkawayan probinsiya ng North Cotabato at sa 28 barangays na bahagi sa nasabing rehiyon.