Nagpatupad na ng paghihigpit ang Vatican ilang oras bago ang libing ni Pope Francis.
Dakong alas-siyete ng gabi sa Vatican ng pahintuin na nila ang public viewing.
Bagamat marami pa ang nakapila ay humingi na lamang sila ng paumanhin dahil kinailangan nila ang palabasin ang tao bilang paghahanda.
Dakong alas-siyete ng gabi sa Vatican itinigil ang public viewing habang dakong alas-8 ng gabi ng pinangunahan ni Cardinal Camerlengo Kevin Farrell ang seremonyas ng Sealing of the Coffin.
Hindi naman binanggit ng Vatican kung ilan ang mga mataas na opisyal ng iba’t-ibang bansa ang dadalo.
Nanguna sa listahan si US President Donald Trump habang si Pangulong Ferdinand Marcos at First Lady Liza Marcos ay dumating na rin sa Vatican para dumalo sa libing ng namayapang 88-anyos na Santo Papa.
Bukod sa kasalukuyan ay nagpahayag ng pagdalo ang mga dating lider ng bansa gaya ni dating US President Joe Biden.
Base sa pagkaka-ayos ng upo sa funeral mass ng alas-10 ng umaga sa Vatican na nasa harapan mauupo ang pangulo ng Argentina ang bansa kung saan ipinanganak ang Santo Papa na susundan ng Italy at miyembro ng royal households at mga pangulo na naka-ayos sa French alphabetical order.
Ilang oras bago ang gagawing misa ay nakatakdang ilabas ng Vatican ang kabuuang listahan na mga world leaders na dumalo.