Wala pa ring patid ang mga ginagawang paghahanda para sa pagsasara ng EDSA-Kamuning flyover southbound sa darating na Mayo 1 ng kasalukuyang taon.
Ito ay upang bigyang daan ang pagsasagawa ng ilang retrofitting ng naturang daan.
Nakahanda na rin ang mga kakailanganing scaffolding na siya namang ikakabit sa ilalim ng tulay at ang ilan sa mga ito ay nagsimula nang ilagay.
Bukod dito ay inilatag na rin ang mga traffic advisory para sa gagawing proyekto upang maging maayos ang daloy ng trapiko.
Nakabalandra na rin ang mga kinakailangang advisory sa kahabaan ng EDSA.
Layon ng hakbang na ito na mabigyan ng kaukulang gabay ang mga motorista para sa mga alternatibong ruta.
Personal naman na nagtungo sa site si DPWH-NCR Director Loreta Malaluan upang matiyak ang tuloy-tuloy na trabaho ng kanilang mga tao para sa pagsasara nito.
Sa ngayong normal pa ang daloy ng trapiko sa lugar.