Pinaplantsa na lamang ang ilang pinal na paghahanda para sa paglahok ng kinatawan ng Pilipinas sa Beijing Winter Olympics sa buwan ng Pebrero.
Kasunod ito ng pagkaka-apruba ng Philippine Sports Commission (PSC) sa P3.3 million na pondo para sa nag-iisang atleta ng bansa sa naturang aktibidad.
Tanging si Filipino-American Alpine Skier Asa Miller ang kakatawan sa Pilipinas sa nabanggit na event.
Pero sasamahan naman siya bilang suporta nina Chef De Mission Bones Floro, Philippine Ski and Snowboard Federation President Jim Palomar Apelar, liaison officer Nikki Cheng, administrative officer Dave Carter, athlete welfare officer Jobert Yu at coach Will Gregorak.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na sasabak si Miller sa Winter Olympics matapos lumahok noong 2018 Games sa South Korea.
Tutulak ang PH deligation sa Beijing sa susunod na linggo.