Ipinagmalaki ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na nasa final stage na ang kanilang ginagawang paghahanda para sa pag-host ng bansa sa ika-30 edisyon ng regional sports meet.
Ito’y eksaktong isang buwan bago magbukas ang SEA Games sa Nobyembre 30.
Ayon kay PHISGOC chief operating officer Ramon “Tats” Suzara, nasa 9 out of 10 na raw ang kahandaan ng Pilipinas para sa hosting ng SEA Games.
Paliwanag pa ni Suzara, ang nalalabing bilang ay kanila na lamang ilalaan para sa aniya’y finishing touches at posible raw nas perpektong grado na ito sa pagtatapos ng biennial showpiece.
Ani Suzara, kahit na mayroon pa silang hinaharap na ilang mga problema ay handa raw sila rito.
Bago ito, sinabi ni Phisgoc chairman at House Speaker Alan Peter Cayetano na may nakahanda raw silang contingency plan sakaling hindi umabot sa takdang panahon ang rehabilitasyon ng Rizal Memorial Coliseum at sa iba pang mga sporting facilities.
Sa umpisa pa lang aniya ay mayroon na silang nakalatag na “Plan B” para sa lahat ng venues na gagamitin para sa SEA Games.