-- Advertisements --

Idaragdag na ng Comelec at mga katuwang sa halalan ang paghahanda kung sakaling may lindol o anumang sakuna sa panahon ng eleksyon.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, magtatalaga sila ng pasilidad at taong gagabay sa mga tao kapag may mga biglaang pangyayari na maaaring makaapekto sa kaligtasan ng mga botante.

Pangunahin aniyang concern ng poll body ang kaayusan ng halalan at kaligtasan ng mga taong kalahok sa aktibidad.

Tatagal ang halalan mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa Mayo 13, 2019.