Inaasahan ng mga basketball fans na magiging mainit ang harapan ng Dallas Mavericks at Minnesota Timberwolves sa Western Conference finals.
Nakapasok ang number 5 team na Dallas sa first round ng talunin nila ang Los Angeles Clippers sa ika-anim na laro habang binura ng Minnesota sa first round Western Conference playoffs ang Phoenix Suns sa pamamagitan ng 4-0 sweep.
Sa pagpasok ng West semifinals ay giniba ng Dallas ang Oklahoma City Thunder sa anim na laro habang sinibak ng Timberwolves ang defending champion na Denver Nuggets sa tinaguriang biggest Game 7 comeback sa playoff history.
Apat na beses na nagkaharap ang Dallas at Minnesota sa regular season kung saan tatlong dito ay nagwagi ang Timberwolves kung saan lahat ng mga ito ay hindi pa nai-trade ang ilang key players ng Mavs na sina Daniel Gafford at PJ Washington na may malaking tulong sa playoffs.
Ipinagmamalaki ng Timberwolves ang kanilang star player na si Anthony Edwards na mayroong average na 29 points, anim na rebounds at anim na assists na siyang tumulong sa koponan para makabalik sa Western Conference Finals matapos ang dalawang dekada.
Bukod pa kay Edwards ay nandiyan ang ilang sikat na manlalaro ng Timberwolves na sina four-time Defensive Player of the Year Rudy Gobert atAll-Star Karl-Anthony Towns kasama ang reigning Sixth Man of the Year winner Naz Reid.
Habang sa Dallas ay nakabalik sa Western Conference Finals matapos ang dalawang taon kung saan tinalo sila ng Golden State Warriors sa limang laro.
Ipinagmamalaki ng Dallas ang Slovenian star na si Luka Doncic na mayroong 29 points average ganun din si Kyrie Irving.