Inanunsiyo ng Ultimate Fighting Champion (UFC) ang nalalapit na paghaharap ng dalawang kilalang pangalan sa mixed martial arts.
Ayon sa UFC na kanilang inaayos na ang laban ni UFC interim welterweight champion Colby Covington laban kay fan-favorite Jorge Masvidal.
Gaganapin ang UFC 272 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, USA sa Marso 6.
Dating malapit na magkaibigan ang dalawa hanggang nagsimulang magbato ng mga masasakit na salita si Masvidal kay Covington.
Si Covington na mayroong record na 16 na panalo at tatlong talo ay kagagaling sa panalo laban kay UFC welterweight world champion Kamaru Usman noong Nobyembre sa pamamagitan ng unamimous decision.
Habang si Masvidal ay dumanas ng makasunod na pagkatalo laban kay Usman na ang huli ay ang reel-knockout main event sa UFC 261 noong Abril 2021 sa Vystar Veterans Memorial Arena sa Florida, USA.