Nagpapatuloy ang paghahatid ng family food packs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residenteng apektado ng bagyong Betty.
Ito ay sa gitna ng pagbuhos ng libu-libong mga indibiwal na inilikas sa mga evacuation centers.
Ayon kay DSWD assistant Secretary Romel Lopez, aabot sa 1 million mga pamilya sa Region 1, 2,3, 4A, 4B, 5,6 , 7, Cordillera Administrative Region at National Capital Region ang inaasahang maapektuhan ng masamang lagay ng panahon dahil sa bagyo at hanging habagat.
Aniya, sa ilocos region partikular na sa La union at Ilocos Sur, naipamahagi na ang nasa 21,000 family food packs.
Nasa kabuuang 3,659 indibidwal sa Negros occidental at 1000 hanggang 2,000 sa mga probinsiya sa Luzon ang nailikas na sa mga evacuation centers dahil sa banta ng bagyo.