CEBU CITY- Naniniwala ang isang UP-Diliman Political Science Professor, na si Dr. Clarita Carlos, na mayroong ibang rason ang paghain ni Solicitor General Jose Calida ng quo warranto petition labas sa giant network-ABS-CBN.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Carlos, sinabi nito na nakasaad sa konstitusyon na dadaan muna sa mambabatas ang prangkisa ng nasambit na media network at iba pa, kaya merong ibang rason ang ginawa ni Calida.
Giit ng propesora na hindi umano mangyayari ang ‘constitutional crisis’ dahil mangayayari lang ito kung merong pag-aagawan ng kanilang hurisdiksyon ang Executive, Legislative, at Judiciary branch ng gobyerno.
Nakikita ni Carlos na walang inagawang kapangyarihan si Calida sa ginawa nito.
Dagdag pa nito na walang kaugnayan sa ‘press freedom’ ang naturang usapin dahil hindi lang umano ang ABS-CBN ang source ng mga balita at sa katunayan ay bumaba na ang bilang ng mga nanonood ng telebisyon dahil nakatutok na ang lahat sa social media.
Posible umanong may ibang issue na kailangan ring ayusin ng korte.