-- Advertisements --

Inamin ng Malacañang na hindi pa maipapasa ng Department of Budget and Management (DBM) ang proposed 2020 national budget sa Kongreso kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, aabutin pa ng isa hanggang dalawang linggo bago nila maisumite sa Kongreso ang proposed national budget.

Ayon kay Sec. Nograles, mayroon pang mga inaayos na detalye sa national budget para maisapinal na ito at maibigay sa Kamara para gumulong na ang proseso ng pagsasabatas nito.

Kung maaalala noong nakaraang taon, hindi naipasa ng maaga ang 2019 national budget na naging dahilan ng pagkakaroon ng re-enacted budget nitong unang bahagi ng 2019 sa kabila ng maagang pagpasa din ng Ehekutibo ng proposed budget.