-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Sinuportahan ng Philippine Army ang hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Joma Sison na bawiin na lamang ang idineklarang ceasefire.

Ito’y matapos ang nangyaring pagsalakay sa puwersa ng pamahalaan sa bahagi ng Camarines Norte at Iloilo.

Ayon kay 9th Division Public Affairs Office chief Major Ricky Aguilar sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, manipestasyon ng “goodwill” at “relationship building” lamang ang ginawa matapos magdeklara ng ceasefire sa government force.

Patutsada pa nito kay Joma na mababaw na rason ang paghahanap ng written order na magpapatunay ng paghinto ng mga opensiba, dahil kahit verbal o sa pananalita lamang ang kautusan ay dapat pa rin itong sundin.

Sakali namang may lumabag sa hanay ay mayroon aniyang court martial na magbibigay ng sentensya.

Samantala, mas magiging matensyon aniya ang isasagawang mga operasyon laban sa insurhensya sa pagpasok ng 2020.