Suportado ng mga lider ng Senado ang pagharang ni Sen. Panfilo Lacson sa umano’y pork barrel ng 2020 national budget version ng mga kongresista.
Ayon kay Lacson, nagbigay ng basbas sa kaniya sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at maging ang panig ng minorya na pinangungunahan naman ni Sen. Franklin Drilon.
Una nang sinabi ng senador na papalo sa P54 billion ang naipaabot sa kaniyang impormasyon na pork barrel, dahil maliban sa P100 million na alokasyon sa bawat mambabatas, mayroon din umanong mas malaking parte ng pork para sa mga deputy speakers.
“That was the initial information we received. Hindi P16B. The initial report we received, each deputy speaker, 22 of them, will be receiving an additional allocation of P1.5B. Easily that’s P33B. Each congressman will be given an allocation of P700M. I hope that does not push through because that was a report transmitted to my office by some congressmen themselves. Na yan pinagusapan nila, para walang gulo, tig-700M. When we are talking of P700M per congressman, times 300, that’s P21B. Plus P33B per deputy speaker kung matutuloy na P54B in pork,” wika ni Lacson.
Samantala, iginiit naman ni House Speaker Alan Peter Cayetano na fake news ang isyu ng pork barrel na nakarating kay Sen. Lacson.
Tiniyak nitong malinis ang 2020 national budget.