-- Advertisements --

Nagpasya ang korte sa New York na palawigin ang petsa ng paghahatol ng sa criminal case laban kay dating US President Donald Trump.

Ayon kay Judge Juan Merchan na ang desisyon ng pagpapaantala ng paghatol sa bahagi nila ay para maiwasan na maapektuhan ang resulta ng halalan.

Sa apat na pahinang sulat ay nais nilang ilabas ang hatol ng hanggang Nobyembre 26.

Noong Mayo ay nadiin si Trump sa 34 counts ng pamemeke ng kaniyang business records para mapagtakpan ang hush money na ibinayad sa isang adult-film star.