-- Advertisements --

Kinumpirma ng European Union na kinilala nila ang posibilidad na kontrolin ang pag-export sa bakuna na AstraZeneca na nagmula sa United Kingdom.

Gagawin ito ng EU kapag makukulangan sila sa delivery ng mga bakuna para sa kanilang mamamayan.

Sinabi ni Health Commissioner Stella Kyriakides na ginagawa lamang nila ang nasabing hakbang bilang proteksyon at para na rin sa proteksyon sa kanilang mamamayan kung kaya’t wala silang choice kundi pigilan ang export ng bakuna.

Aminado naman si Kyriakides na nasa 100 bansa ang maapektuhan sa gagawing pagpigil ng export ng EU sa AstraZeneca na kinabibilangan ng United Kingdom, Amerika, Canada at Australia.

Iginiit naman ng EU na ang kanilang ginawang pagkontrol ay isang temporary scheme ay hindi export ban.

Pinuna naman ng World Health Organization ang nasabing hakbang dahil malaki ang dalang epekto nito sa buong mundo.