Arestado ang isa sa mga suspek sa pamamaril sa bahay ng isang barangay chairman sa Aroroy, Masbate nuong Biyernes ng gabi na ikinasawi ng limang indibidwal.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay Masbate Police Provincial Director PSSupt. Froilan Navarroza kaniyang sinabi na arestado na ang isa sa mga suspek sa pamamaril at isinailalim na sa inquest proceedings.
Sinabi ni Navarroza na tatlo ang nasawi on the spot sa nangyaring shooting spree habang tatlo ang sugatan.
Pumanaw naman ang dalawa sa tatlong sugatan habang ginagamot sa pagamutan.
Pinaulanan ng bala ang bahay ni Barangay Nabongsoran Chairman-elect Leo Cabarles.
Sinabi ni Navarroza, naniniwala si Cabarles na paghihiganti ang motibo sa insidente.
Nakilala ang mga nasawi na sina:Â Ariel Rubis Madrilejos, 30-anyos, barangay tanod; John Paul Aguilar Cristobal, 19, SK kagawad; Dijie Roxas Cabarles, 31;Â Jeo Villantes Cabarles, 21 at Ricky Perez Alejo, 29, barangay tanod.
Habang ang sugatan na kasalukuyang ginagamot sa hospital ay nakilalang si Jury Pablo Cabarles, 31-anyos, chief of tanods ng Barangay Nabongsoran.
Nagkaroon umano ng konting kasiyahan sa bahay ng barangay chairman ng bigla na lamang silang paulanan ng bala.
Tiyak naman ang PNP na target ng pamamaril ay si kapitan.
Kinumpirma ng Aroroy PNP na nagkaroon din ng pagtangka sa buhay ni Cabarles nuong panahon ng eleksiyon.