-- Advertisements --

Iginiit ni presidential adviser for entrepreneurship Joey Conception na dapat na panatilihin ang alert level 1 at hindi nakikitaan na kailangang higpitan ang COVID-19 restrictions sakaling lomobo sa mahigit 1,000 ang kaso kada araw habang nananatiling mababa ang hospital capacity rate.

Ayon kay Conception wala sa posisyon ang bansa na higpitan ang restrictions at sa halip dapat na magpokus ang pamahalaan sa pagrolyo ng ikalawang booster shots para sa nakakatandang populasyon at immunocompromised.

Umapela din si Conception sa mga opisyal na tignan ang posibilidad na pagpapalawig ng eligibility ng mga kwalipikadong indibidwal para makatanggap ng ikalawang booster sa mga edad 50-anyos pataas.

Base sa latest data mula sa Department of Health (DOH) lumalabas na ang bed occupancy rate ng bansa ay nasa 16.4% na may 5,109 occupied beds mula sa kabuuang 31,088.

Sa kasalukuyan, ang Metro Manila at ilang lugar sa bansa ang nananatili sa alert level 1 ang pinakamaluwag na COVID-19 alert level na epektibo hanggang sa katapusan ng mayo.