Walang nakikitang dahilan sa ngayon na maghigpit sa health protocols laban sa COVID-19 sa kabila ng nadetect na presensiya ng bagong sublineage ng Omicron na BA.2.12.1 sa Pilipinas.
Paliwanag ni infectious disease expert at DOH adviser Dr. Edsel Salvaña na wala pang indikasyon sa ngayon na tumataas ang mga kaso ng COVID19 sa bansa na maaaring maging banta sa health care system ng bansa kung saan nananatili sa minimal o low risk ang health care utilization rate ng bansa.
Sa ngayon ayon kay Dr Salvana na mayroobg sapat na metrics ang pamahalaan para matukoy kung ang alert level sa isang lugar ay i-escalate.
Ang mahalaga sa ngayon ay ang patuloy na pagsunod sa public health standards gaya ng pagsusuot ng facemask, pagpapabakuna at pagpapaturok ng booster shots, social distancing at regular na paghuhugas ng kamay.
Bagamat mayroong panganib na magkaroon ng panibagong surge ng infections dahil sa mga isinagawang superspreader events noong nakalipas na kapaniyahan, malabo aniya na bumalik ang lockdown sa bansa.
Nananatili din aniyang manageable ang bilang ng mga aktibong kaso at kung sakali aniyang tumaas mananatiling mababa ang mga severe at critical cases dahil sa antas ng pagbabakuna.
Gayundin mayroon na aniyang gamot para sa mga COVID19 patients sakali man na madapuan ng bagong variants ang mga hindi pa nababkunahan.
Maalala, nadetect ang bagong subvariant ng Omicron sa bansa mula sa 11 banyaga at 3 Pilipino.
Top